Posts

Showing posts from September, 2006

Moon Kek na naman…

Opo, dito po sa Singapura ay tag moon kek na ulit…sa ingles ang tawag nila sa panahong ito ay Mid-Autumn Festival at dito sa opit nagkalat ang super tamis at napakaraming kolesterol na moon cake…this is a once in a year event so super special dito ang moon cake… Kami sa pugad B, di pa alam kung me pagkakataon pumunta sa chinese garden para sa annual Lantern Festival…. Tyak sa China town maganda ang kapaligiran sa dami ng lantern at kulay plus sandamakmak na moon kek… Halina at pumasyal na dito….ang event na ito ay from 10 Oct hangga 26 Oct...

Si nini naman….

Image
Eto na po latest pics ni Ally, ang cute cute nya ‘no…. Huling makita ko si bunini ay 3mos pa lang sya pero ngayon about 8mos na sya… kakatuwa talaga, ang sarap umuwi ngayon as in now na…..hay….

Si Vince muna...

Image
Eto na si Vince at 1.8yrs old, ang nakakatuwa matuwid na sya magsalita ng tagalog..mukhang matalinong bata kaso super likot sya and medyo lumalaki pilyo..anyway nakaka aliw talaga itong bata na ito kasi marunong na sya kumanta ng "bahay kubo", "sitsiritsit alibangbang" at "ako ay nagtanim.."..o divah kakatuwa?! eto pa ang ibang mga alam nya salita: taray, kakain na, luluto pa, hilaw pa, mani, mais, nonipop at pinaka latest "aleluya" sabay taas kamay...nakita sa TV hehehe

Beauty Treats...

Full Leg waxing, pedicure and eyebrow threading was done today... das layp... Ang problema ko na lang ay how to have the determination para mabawasan itong lumalaki kong bewang, mamya pa papantay na sya sa balakang ko...sus...

Sept 8 Feast Day

Happy Birthday Mama Mary... Thanks for all the blessings...

Di na ganu busy…

Di na nga yata ako masyado busy kasi nakaka update na ko dito…or tinatamad lang ako mag trabaho… Parang ang sarap mag bakasyon sa pinas, makita man lang si Vince pogi at si Ally danda….

Inaantok...

My work place is about 30min train ride from where we stay, you might say that a good nap in between will be in order for some people… True for some people but not me…by the time I am conditioned for a quick nap it will be about two stops to my destination, that’s 25min after we board the train…. kaya eto antukin…

Monthly Facial…

Oo birhinya, simula nung huling kaarawan ko ay nag sign na ako para sa isang facial package, 10 treatments on a monthly basis…hay ganyan nga yata pag tumatanda na…. well it’s about time I spend for myself naman… So there I was today at 12.30pm to 2.30pm, totally relaxed with 2hrs money worth of facial products slathered to my face….that includes the whole treatment plus facial massage, a bit of body massage and eyebrow trim….minsan nga nakakatulog ako duon, kumpleto kasi with soothing music pa…okay din at least once a month I get to pamper myself… Ang malupit nito kelangan na daw ako pumunta lagi sa site kaya sus ginoo!! Sayang naman mga facial facial ko kasi tyak babad sa araw pag nasa site na ulit….

berrrr…..

Sigurado ako ngayong araw na 'to sa pinas ay mayroon bumabati ng maligayang pasko at me nag papatugtog ng awiting pamasko sa radyo… ganyan sa pilipinas, maaga mag simula ng selebrasyon ng pasko…. malapit na ulit ang pasko ay sumapit!! Dito sa little dot, nada…wah…trabaho pa rin….