Mahal na araw na naman, kaybilis talaga ng panahon, kanina nagsimba kami para sa palaspas..naalala ko tuloy nuong mga bata pa kami, si mamay ay kukuha ng palapa ng niyog na mura ang dahon at yung isang buong tangkay ang dadalhin namin sa bayan sa pagsimba, no choice kaming magpipinsan kundi bitbitin kasi magagalit si mamay hehehe pero normally si Vilma ang me bitbit kasi sya ang pinakamatangkad sa amin, tapos pagkatapos ng misa siempre dala mo si palaspas pauwi at dadaan ka pa sa palengke para makakuha ng masasakyan pauwi, entonces pag daan mo sa pelengke hingian lahat madaanan mo ng isang pilas ng palaspas hanggang ang matira na lamang halos ay yung nasa dulo at iyon lang ang maiiuwi ke mamay, siguro kaya ganun kalaki ang pinadadala sa amin ay dahil nga sa mga humihingi....pero ngayon binibili na sa pinas ang palaspas at meron ng mga disenyo, nung araw pulos isang buong tangkay lang ang dala sa simbahan..ngayon me mga ribbon pa, pati palaspas nag evolve na rin...dito sa little dot, pa...