Essay Contest Winner (OFW Story)
As usual, from forwarded email:
1980 ako ipinanganak. Tatlong taon bago pinatay si Ninoy Aquino at anim nataon bago ang EDSA uprising. Taon ding ito nang nagkaroon ng malakingkrisis sa langis ang buong mundo. P24.00 ang palitan ng dolyar sa piso at48 milyon na ang populasyon ng Pilipinas. Ito rin ang taong unang pumuntang Middle East ang tatay ko para magtrabaho.
Isang karpintero ang Tatay. Isang skilled worker. Malaki angpangangailangan ng bansang pupuntahan ni Tatay sa mga katulad niya. Sabi ngNanay mahirap daw ang buhay noong mga panahong iyon. Inabot na raw angbansa ng economic depression na galing sa Europa at Amerika. Kaya minabuting Tatay na mag-abroad. Anupa't dalawa ang pinag-aaral niya at may bago nanaman siyang bibig na pakakainin.
Parating pinapaalala sa amin ng Nanay na "nagtiis kaming magkahiwalay ngtatay ninyo para magkaroon tayo ng maginhawang buhay." Palibhasa'y parehasgaling sa hirap, kaya siguro ganoon na lamang ang pananaw nila. Uuwi kadadalawang taon, tapos aalis na ulit pagkalipas ng dalawang buwan. Ganyan angpattern ng buhay ng tatay ko.
Pumutok ang giyera sa Middle East noong 1989. Doon ko unang narinig ang mgasalitang Operation:Desert Storm at Third Anti-Christ. Nandoon din si Tatay.Isang beses lamang siya nakatawag sa loob ng tatlong taon niyangpagkaka-stranded sa bansang iyon. Mabuti naman daw ang lagay niya. Maytirahan naman daw sila at husto sa lahat ng pangangailangan. Hindi namandaw sila gagalawin sa giyera sabi ng embahada ng Pilipinas dahil hindinaman daw sila kasali sa awayan ng dalawang bansa at ng pakialamerongAmerika. Iyon naman pala eh, bakit ka pa rin nandyan?! Na-imagine ko nalang tuloy ang Tatay na parang isa sa mga sibilyan na dumadaan habangnakikipagbarilan ako sa larong Operation:Wolf sa SM City. Nang mahawi angmga usok ng giyera umuwi na ang Tatay. Wala pang isang taon ay nakita ko nanaman ang aking sarili na nakasakay sa arkiladong dyip para ihatid angTatay sa Airport papuntang Middle East . Ikaw ba naman ang magkaroon ngpinag-aaral na nurse, isang seminarista at tatlo pa sa elementarya.Kailangang kumayod, kailangang kumita.
Kung tutuusin maraming na-miss ang Tatay sa buhay naming magkakapatid, lalona sa akin. Wala siya nang una akong magtalumpati sa entablado. Wala dinsiya nang grumadweyt ako ng elementarya at hayskul. Wala siya nang unaakong nakipagsuntukan sa kaklase ko nang inasar ako nito habang binibigayko ang libreng plastic na singsing na galing sa cheese curls sa kaklasekong babae. Wala din siya para turuan akong magbasketbol tulad ng ginagawang mga kapitbahay ko sa kanilang anak. Wala rin siya para panoorin si Kuyana contestant sa Student Canteen at ako naman para sabitan niya ng medalyapara sa mga math competition na sinalihan ko. Wala siya nang dumating akosa punto ng aking buhay, na siya ring kinakatakutan ng lahat ng katuladkong nagbibinata--ang magpatuli. Wala rin siya para turuan akong maglanggas.. Wala siya nang kauna-unahang lumabas ang pangalan ko sa dyaryongpang-estudyante bilang isang editor. Ipinagtabi ko siya ng mga kopya paramaipagmalaki sa kanyang pagdating. Wala siya nang una akong tumikim ng alakdahil binasted ako ng dinidigahan kong babae. Wala rin siya nang sumubokakong manigarilyo at itapon ito pagkatapos ng dalawang hithit pa lang. Walasiya, wala siya parati.
Napansin ko na lamang na mas naiibuhos naming magkakapatid ang oras naminsa labas ng bahay at sa eskwelahan. Ang Ate ay kagawad ng SangguniangKabataan, ang Kuya naman ay matagal nang kinuha ng seminaryo, ang dalawakong kapatid ay may mga sarili nang kina-career at ako naman ay natutuon saaking pagsusulat.
Dumating ang isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko, ang pagdating ng Tatayat sabihing ito na ang huli niyang uwi dahil hindi na siya babalik ulit saabroad.
Makalipas ang ilang buwan, trinangkaso ang Tatay. Sabi ng doktor ayoverfatigue lang daw at kailangan niyang magpahinga. Pagkaraan nang ilangbuwan, na-diagnose na may tumubong tumor sa utak ng Tatay at malignant naito. Minsan naitanong sa akin ng uncle kong doktor kung nauntog ba angTatay o nabagsakan ng mabigat na bagay sa ulo. Nahihiyang ngiti, kamot saulo at isang "hindi ko po alam" lang ang naisagot ko.
Kung gaano kabilis na nadiskubre ang tumor niya sa utak ay ganun dinkabilis na binawi sa amin ng Diyos ang Tatay.
Habang pinagmamasdan ko ang Tatay habang mapayapa itong nakahimlay noongburol niya, nahihirapang tumulo ang luha ko. Kung tutuusin, hindi ko kilalaang taong ito. Siya ang tatay ko. Kalahati ng pagkatao ko ay galing sakanya. Pero kung tatanungin mo ako kung anong gusto niyang timpla ng kape,kung allergic ba siya sa hipon na paborito ko, kung San Miguel o Purefoodsba ang team niya sa PBA--isang malaking EWAN lang ang maisasagot ko sa iyo.Noong bata pa ako, nasa abroad ang Tatay. Kapag nandito naman siya paramagbakasyon, mas malaking oras ang nagugol niya sa pag-aasikaso ng mgapapeles niya para sa susunod niyang pag-alis. Nang tumigil na siya sapagtatrabaho, ako naman ang abala sa mga reports, periodical examinationsat mga research works. Nang nasa ospital na siya, kahit makipagkuwentuhanay mahirap nang gawin dahil halos hindi na siya maintindihang magsalitadulot ng chemotherapy.
Matagal nang patay ang Tatay. Minsan nabalitaan kong dumating na ang seamanna tatay ng boss ko, pilit ko siyang pinauuwi nang maaga. Minsan ding buongkawilihan kong pinagmamasdan ang isang kaibigan ko na nagmamadali dahilbaka masaraduhan na siya ng grocery. Kailangan niyang makabili ngingredients ng spaghetti dahil 'yun daw ang bilin ng tatay niyangna-stroke. Minsan rin nang makainuman ko ang matalik kong kaibigan habangbinubuhos niya sa akin ang sama ng loob niya sa pagbabalik ng tatay niya namalupit sa kanila nang mahabang panahon at ipinagpalit sila sa ibang babae.Sa tingin ko lang, "Buti ka pa nga may Tatay pa." Syempre hindi ko sinabiiyon sa kanya. Baka mamaya tanungin pa niya ako kung kanino ako kampi, kamipa ang mag-away. Minsan din sinamahan ko ang kababata ko nang dinalhan niyang pansit ang tatay niya sa City Jail. Hindi naman sila nagtatanong kungbakit ako ganun. Wala naman silang alam kay Tatay.
Maraming pagkakataon na nanghihinayang ako dahil masyadong maaga angpaghihiwalay namin ng Tatay. Gusto kong sisihin ang Pilipinas dahilnapakahirap ng buhay dito. Sa Amerika ba may tatay na nangingibang-bansapara makapagtrabaho lang? Naisip ko tuloy na sumama na lang sa mganagpipiket na mga migrante dahil alam ko tulad ko rin sila. Kadalasan rinsinisisi ko si Saddam Hussein at ang Gulf War dahil kinuha nila ang tatlongtaon sa buhay ng Tatay. Sayang ang tatlong taong iyon. Nakalaro ko man langsana ang Tatay ng basketbol o di kaya'y naturuan niya akong mag-bike.(Beinte anyos na ko nang matuto mag-bike).
Isa sa mga klase ko sa writing ang nagpasulat sa amin ng kahit ano tungkolsa aming mga tatay, samahan pa ng larawan kung maaari. Bigla tuloy akongnalito. Hindi ko alam kung anong tungkol sa Tatay ang isusulat ko.
Ikuwento ko kaya na isang Overseas Contract Worker si Tatay. Isang bagongbayani. Nag-aambag ng malaki sa ekonomiya ng Pilipinas. Sabihin ko kayangmay larawan ng tatay kong may suot na hard hat na dilaw, construction bootsat may hawak na drill at kasama niyang nakangiti ang mga kapwa niyangPilipino with matching background na disyerto. O kaya ang larawan nilangmagkakababayan habang pinagdiriwang nila ang New Year at nag-iiyakan dahiltinutugtog and Lupang Hinirang. Ang drama no?
Kuwento ko kaya na isang survivor ng Gulf War ang Tatay. Na natutulog siyaat ipinaghehele ng mga Patriot at Scud Missiles. Pakita ko kaya ang mgaremembrance ng Tatay na mga dull na landmines. Adventure naman ang datingnito.
Kuwento ko kaya kung paano hindi nagpabaya ang Tatay sa pagbibigay ngpangangailangan namin. Hindi kami sumasala sa pagkain, may magagandangdamit, maayos na tirahan at nakakapag-aral. Siya ay naging isang goodprovider. Siguro isang malalim na buntong hiningang "Haaaaaay!" angibibigay sa akin ng mga kaklase ko.
O di kaya'y dalhin ko ang picture ni Tatay habang kini-chemotherapy siya.Ikwento ko din kaya na naging mabilis ang lahat ng mga pangyayari. Nainoperahan siya sa loob ng walong oras at binutasan ang ulo niya. Nanakalabas pa siya ng ospital. Pagkatapos ng isang linggo, agad siyangnamatay. Tragic naman ang approach ko nito.
Gayahin ko kaya ang kuwento sa telebisyon na tipong galit na galit sa mundoang anak dahil hindi ito nabigyan ng sapat na atensyon dahil inuna ngkanilang tatay ang pinansyal nilang pangangailangan. Teka, hindi namantotoo yon eh! Napaka-unfair naman 'nun kay Tatay.Ikuwento ko na lang kaya ang isa sa mga magagandang alaala namin kay Tatay.Apat na taon ako noon. Malinaw na malinaw pa sa alaala ko ang pangyayari.Kadarating lamang ng Tatay pagkaraan ng dalawang taon. Nagkaroon ngsimpleng party sa bahay. Kainuman niya ang mga kumpare niya nang tumayosiya at binuhat ako mula sa kuna ko habang pinaglalaruan ko ang bagongmatchbox na pasalubong niya sa akin. Inutusan niya ako na ikuha siya ngbeer sa refrigerator. Pagkakuha ko ng beer ay kinandong niya ako at buongpagmamalaki na ibinida sa mga kumpare niya na natanggap na raw ako sa lokalna Day Care Center dahil abot na ng kanang kamay ko ang aking kaliwangtenga kahit idaan pa sa ibabaw ng ulo ko at matatas na ako magsalita atmadali raw akong matuto. Matagal din akong nanatili sa pagkakandong niya.Mistula siyang bagong dating na hari na suot-suot ang kanyang korona. Ako ang kanyang korona.
Kapag naaalala ko ito, napapawi ang lahat ng panghihinayang ko sa mga taongkailangan niyang magtrabaho at mawala sa piling namin. Mga panahong kasamang mga tatay nila ang mga anak nila. Ito na lang ang isusulat ko. Bago anglahat, pupunasahan ko muna ang mga luha ko at ang patulo ko ng sipon. Bakamapatakan pa ang keyboard ng computer at ang hawak kong picture. Picture ngisang paslit na may hawak na bote ng beer habang kandong ng tatay nakitang-kita ang kasiyahan sa mukha.

Comments