Firefly watching…
Alitaptap sa tagalog ang firefly di ba? Si dahleng ko nag aaya sa Kota Tinggi para daw sa firefly watching malapit sa beach. He said he will arrange it, so okay, sana matuloy. Naalala ko tuloy nung mga bata pa kami dun sa aming probins, pag gabi na at wala kuryente ay nanghuhuli kami ng alitaptap at nilalagay namin sa garapon, kaso tinatakpan namin si garapon kaya yung liwanag ng alitaptap ay humihina habang nanghihina din si alitaptap. Those were the simple days. Sabi nga ng Inay dun daw sa tapat ng bahay namin nung sila naman ang mga bata pa ay me isang puno ng sampalok, malaki yung puno at sa gabi daw ay punong puno ng alitaptap, para daw tuloy christmas tree ang effect. Ganung effect ang dadayuhin daw namin ni labs sa Kota Tinggi. Imagine, ngayon you have to go to a certain place para sa firefly watching samantalang it was previously on your doorstep and you never did have any idea how special that was, such irony. Kahit ngayon wala na ito sa probins namin and paminsan minsan na me makita kami at ituro namin sa mga pamangkin ay mangha na mangha na sila heh….
Comments