Tapusin ang kontrata hindi ang trabaho….

Dahil sa kami ay dito naghahanapbuhay sa ibang bayan, natural lamang na iba ang sistema sa trabaho kung ikumpara mo sa pinas. Sa pinas puedeng petek-petek lang at lilipas na ang maghapon (depende sa trabaho mo…) Dito kelangan na sumabay ka sa mabilis na agos ng trabaho, wala ditong kuentuhan sa kapit bahay na mesa, walang kuentuhan sa umaga na kesyo na trapik ka, o di kaya ay kung ano ang napanuod mong drama sa telebisyon nung sinundang gabi. Dito tatayo ka lang sa mesa pag tanghalian na at pag uwian na. Hataw sa trabaho, ika nga sa Batangas….

Pero dahil nga pinoy tayo me mga bagay na puedeng patamain…puedeng patama ka sa oras gaya ng wag muna umuwi lalo na at me bayad naman ang labis na oras, patama ka sa oras na kunyari me ginagawa ka kahit wala, look busy ika nga…..hawak sa papel pang nakita mong palapit ang mga bosing siguraduhin lang na relevant yung hinawakan mong papel hehehe….sabi nga ng isang barkada "ang tapusin mo ay kontrata wag ang trabaho…" me katwiran ano nga??

Kaso ngayong mga nakalipas na mga araw ay hindi ko na magawa ang magpatama sa oras, hataw ng hataw sa dami ng trabaho at pagod na ako kaya ngayon nag-iisip ako kung magbibitiw na ba o maghanap ng iba at saka umayaw….nag iisip ako sa pag ayaw hindi dahil sa dami ng trabaho sa ngayon, umaayaw ako dahil sa bulok na sistema ng kumpanyang ito….sa tagal na ng itinigil ko dito ay wala akong makitang pagbabago…as usual the system beats you ang drama ng buhay ko ngayon…

Yan lang po…..

Comments

Popular posts from this blog

The legend of St. Valentine

Pagbibinata…..

Still on Harry Potter...