My Tiyo Totoy
Si Sofronio M. Bicol, Sya lang yung inabutan namin na nag iisang kapatid na lalaki ng mga Inay. Namatay sya sa sakit sa puso nung 27 yrs old pa lang sya. Ang tanda ko lang ay grade four yata ako nung mamatay sya. Entonces me 28 taon na syang wala sa pamilya namin. Tanda ko sya kasi me kahigpitan si uncle, pag nakita nya kami sa labas ng kalye at duon naglalaro ay hinahabok nya kami pabalik sa luoban. Magaling din syang magbiro sa amin lalo na dun sa bahay ng mga Auntie ko, kasi nung araw ay kawayang sahig ang bahay nila so dun sa mga siwang ay nananakot sya, tutundusin ka nya ng tingting eh siempre gulat na gulat ka naman lalo na kung gabi na….di rin sya nakatapos ng pag aaral pero nag aral naman manahi ng pantalon kaya dati sya ang pinagpapatahian sa amin ng pantalon nung mga binata nung araw. And as it runs in their family, kulot na kulot din ang buhok nya.
Palibhasa bata pa kami so hindi namin naiintindihan kung bakit nakahiga lang sya minsan, kung bakit lagi syang maputla, kung bakit payat ang pangangatawan nya, at kung bakit laging habol ang paghinga nya. Sabi ng mga Inay ay me "butas sya sa puso", yan ang term nila so hangga ngayon di ko alam kung ano ba yung butas nya sa puso na sinasabi ng mga oldies. Sa hospital sya namatay.
Siempre nung mamatay sya malungkot kaming lahat, ngayon ko lang naiisip na sobrang bata pa nya nung mamatay sya and masakit isipin na na outlive sya ng Mamay & Nanay at lahat na kapatid nyang babae. Sya kasi ang bunsong anak at pinaka close sya sa Inay. Sabi nga nila pinakamasakit sa isang magulang ang mamatayan ng anak, lalo na sa case ni lola kasi nagiisang anak na lalaki si Tiyo Totoy. Pero sabi nila me dalawa pa silang anak na lalaki pero parehas namatay nung mga bata pa sila and ang Tiyo Totoy lang ang tumagal ng konti ang buhay.
Ngayon ang kaarawan ng kamatayan nya ayon ke madir. Sabi ko magpamisa na lang sila.
My memory of him was fading and even though this is so simple, it's to keep his memory alive. I wish I have his picture so I can post it too, kaso nasa lumang bahay sa Batangas lahat ng pics namin and wala na akong maalala about him kundi ito lang.

Comments