Aalis na daw yung peborit kong basahin na me ari ng blog, pupunta na daw sa us of a. Sana kahit andun na sya ay magsulat pa rin sya. Tatlo lang silang perborit blog ko, si tambay from singapore, si sassy from pinas at si cat from usa….tambay & cat for amusement and sassy for food blog and opinions on government issues, etc; si tambay parang kausap mo yung mga barkada mo na taga probins na down to earth, si cat parang cynic na me humor at si sassy magaling magluto, halos yata lahat ng pinakain ko ke taba eh dun ko kinuha sa food blog nya…magaling pang nanay at asawa. Pero kahit malimit ako sa blog nila ay di ako mag iwan iwan ng comment…ewan lang….basta enjoy na lang ako magbasa ng blog nila.. Bye tambay, sana ma-update pa rin yung blog nya kahit di na sya tambay na engineer sa singapore….
Alitaptap sa tagalog ang firefly di ba? Si dahleng ko nag aaya sa Kota Tinggi para daw sa firefly watching malapit sa beach. He said he will arrange it, so okay, sana matuloy. Naalala ko tuloy nung mga bata pa kami dun sa aming probins, pag gabi na at wala kuryente ay nanghuhuli kami ng alitaptap at nilalagay namin sa garapon, kaso tinatakpan namin si garapon kaya yung liwanag ng alitaptap ay humihina habang nanghihina din si alitaptap. Those were the simple days. Sabi nga ng Inay dun daw sa tapat ng bahay namin nung sila naman ang mga bata pa ay me isang puno ng sampalok, malaki yung puno at sa gabi daw ay punong puno ng alitaptap, para daw tuloy christmas tree ang effect. Ganung effect ang dadayuhin daw namin ni labs sa Kota Tinggi. Imagine, ngayon you have to go to a certain place para sa firefly watching samantalang it was previously on your doorstep and you never did have any idea how special that was, such irony. Kahit ngayon wala na ito sa probins namin and paminsan minsan na me...
Comments