Huling Araw na naman...
Itong huling mga linggo ng Oktubre at Nobyembre e magulo sa aking buhay trabaho...
napatigil ang nag iisang proyekto ng kumpanya at dahil sa laki ng overhead costs ay maaaring magsara at halos lahat kami e nawalan ng trabaho....sabi nga namin ng kaopisina ko ring mga pinoy ay malamang sa hindi tumagal ang kumpanya kasi nga wala proyekto na pumapasok at talagang halos wala kaming ginagawa sa araw araw...walong buwan ako duon pero isang buwan lamang ang aking ipinag trabaho...
Huling araw namin ngayon sa opisina, maiiwan lang ang dalawang katao para sa pag aayos ng mga pinansyal na gawain. Mula sa mahigit na 60 katao ay walang natira,....maling timing, bagsak na presyo ng oil at recession ang dahilan kaya eto mabibilang na muna ako sa mga walang trabaho sa papasok na taon...
Panahon na siguro para maging isang maybahay muna hehehe......
tumagal kaya ako???

Comments