All Saint’s Day

Sabado, araw ng mga patay, pagkakainit, nagpunta lang kami sa sementeryo sandali, ibang iba na talaga pati sementeryo ngayon at saka ibang klase na rin talaga ang init ng panahon. Naalala ko nung araw e hindi man lang napapansin na mainit sa pagpunta sa sementeryo at halos maghapon magdamag kami duon sa nitso ng Mamay. Nakakalungkot na naiiba na talaga ang panahon, sus buti nga natunton pa namin ang puntod ng Mamay / Tiyo Tutoy at Mamay Basilio / Nanay Puti. Nagdala ng bulaklak, nagtirik ng kandila, nagdasal para sa kanila at umuwi na lang uli sa bahay, nakakalungkot din kasi nalimutan ko puntahan yung isang Tiyo namin na kapatid ng Tatay….Minsan magtataka ka rin sa nakagawian ng tao na bakit tuwing Nov1 lang din ang pagdalaw sa mga yumao na?…

Nagluto si inay ng tutong kaya panay na naman ang kain namin, sarap kasi ng malagkit rice na me halong black beans tapos sasabawan mo ng ginataang matamis (ewan kung anung tawag dun sa sauce na yun), tsalap talaga bagay na bagay sa kape…..again di ko pa rin alam ang significance ng nakagisnan ko na nagluluto sila ng malagkit na kanin sa araw ng mga patay….….kelangan ko na talagang alamin ito hehe..

Last day namin sa Pinas pero wala kaming narating na ibang lugar para pasyalan ,nasa itinerary namin ang Tagaytay pero ni hindi napuntahan. Naubos lahat ng araw sa pag aayos ng bahay. Okay na rin at at last natapos na ang pagaasikaso duon. Next bakasyon na lang ang pasyalang bayan…there will be more vacation to come, I’m sure….

Today also is bespren Alan’s birthday…Happy Birthday dear!!

Comments

Popular posts from this blog

The legend of St. Valentine

Pagbibinata…..

Still on Harry Potter...