Kristiano na si Paolo..
Kagabi kami pumunta sa erport, lintek at ang PAL nagbago ng ruling, 20kg na lang ang allowed…e sa dami ng dala namin excess baggage kami ng 18kg sows, susme asar na asar ako hehe, sabi ko konti na lang ka presyo na ng isang simpleng sofa , me counter offer naman ang PAL, kinabukasan na lang daw kami bumyahe at I upgrade daw kami sa business class, pa hotel nung gabi na yun at write-off yung excess kasi super dami pasahero yata that flight…e ang concensus ayaw namin kasi nga ang hinahabol e binyagan ni Red Paolo kaya hige bayad ng excess kahit masakit sa loob, damay na sa gasto…
Dating sa airport alas kuatro ng umaga at nasa bahay kami ng alas siete ng umaga, uuyyy…unang sulyap sa bahay…ababa e maganda nga pala at malaki siyang tingnan sa labas, kasi mataas yung tayo ng bahay plus yung terrace sa taas kaya siguro ganun, pero pagpasok mo sa kabahayan ay walang kaayusan kasi nga kalilipat pa nga lang nila….siempre buklat buklat muna ng pasalubong para sa mga bata batuta, di na umidlip ng konti at alas diyes daw ang binyagan, kelangan andun si Chel ng 9am para sa seminar….
After a while punta na kami sa reception area ng binyagan ni Red Paolo, binyagan pati reception e sa San Isidro Batangas pa ginanap, kakatuwa naman ang aming bagong bunso, poging pogi din kaso nga lang kakulay ng tatay nya hehehe….
Here’s some photos on the christening: Welcome to the Christian World, baby Paolo!!

Comments