Shopping for furniture and lightings…...

Last Sunday after my friends left for Manila, we went canvassing for some simple furniture. Actually me existing sofa na kami kaso malaki sya and di na sya kakasya sa bagong layout ng salas. Kaya ayun canvass canvass ng mura and at the same time e maganda namang tingnan na babagay sa bahay, naka tatlong lugar kami ng furniture shop and ended up in SM Home Batangas…whew super expensive naman duon ang mga sofa to think na di naman ganun kagaganda ang choices, besides hindi kami maka decide kasi kukulangin sa budget kung papatulan yung mga gamit dun, naiinip na sa ken yung mga kasama kong si red & blu…iniwan ako dun hehehe…in the end di ako bumili, sabi ko babalik na lang ako hehehe…ang galit siguro nung mga nag assist sa ken, mga lima yata iyun hehe…ang style yata kasi e per komisyon basis ang makakabenta duon…

Well, today bumalik kami ni Inay and Rigor para nga bilhin na ang ilang gamit, ang pinagtapusan sa labas kami ng department store nakabili, sa Gainza furniture to be exact. Mas cheaper ang prices kumpara sa mga presyo sa mall. So nakabili ng dalawang maliliit na sofa, bar stool at entertainment cabinet, yung dining table nai-deal din na puedeng mapalitan ang kulay. Previously kasi bumili na sila ng dining table kaso dark ang kulay e mas type yata ni Ama ang lighter na kulay to match the cabinets, pumayag naman yung me ari ng furniture shop na ma switch, yun nga lang we have to top-up some amounts. Tapos me nakita pa kaming isang set of lawn tables para sana sa terrace sa taas kaso no budget for that kaya pass muna…next time na lang yun…..

Pagkagaling sa Gainza kahit duling na sa gutom e diretso sa bilihan ng ilaw at yun naman ang binili, mga simpleng lightings lang naman as long as babagay sa bahay and mura ang presyo, yun ang pinili namin. Hindi pa din nakumpleto ang mga ilaw, naiwan pa yung mga kuarto at garahe at yung dirty kitchen…again saka na iyun, next time ulet….

We also bought some bits and pieces para sa kitchen, lavatory area and T&B. While we were out looking for basic furniture, Wena & Chel naman bought a new labahan at tsaka ilang wall fans para sa mga rooms. Kelangan bumili para sa mga rooms kasi super init pa rin ang panahon….

Entonces natapos din ang pamimili at eto na po ang ilan naming nabili para sa bagong balay:

Comments

Popular posts from this blog

The legend of St. Valentine

Pagbibinata…..

Still on Harry Potter...