Posts

Showing posts from November, 2008

Huling Araw na naman...

Itong huling mga linggo ng Oktubre at Nobyembre e magulo sa aking buhay trabaho... napatigil ang nag iisang proyekto ng kumpanya at dahil sa laki ng overhead costs ay maaaring magsara at halos lahat kami e nawalan ng trabaho....sabi nga namin ng kaopisina ko ring mga pinoy ay malamang sa hindi tumagal ang kumpanya kasi nga wala proyekto na pumapasok at talagang halos wala kaming ginagawa sa araw araw...walong buwan ako duon pero isang buwan lamang ang aking ipinag trabaho... Huling araw namin ngayon sa opisina, maiiwan lang ang dalawang katao para sa pag aayos ng mga pinansyal na gawain. Mula sa mahigit na 60 katao ay walang natira,....maling timing, bagsak na presyo ng oil at recession ang dahilan kaya eto mabibilang na muna ako sa mga walang trabaho sa papasok na taon... Panahon na siguro para maging isang maybahay muna hehehe...... tumagal kaya ako???

Berdey ni Labs

Image
Another year to celebrate and this time comes with a big surprise.. his mother & brother came for a visit... Happy Birthday Labs, wish you more health, happines and success...

House Renovation: Complete at Last

Image
At gaya ng lagi kong sinasabi, sa wakas natapos din ang isa sa matagal ko nang adhikain sa buhay. At long last naipaayos din naming magkapatid ang lumang bahay ng aming mga magulang. It’s really a very big deal for me because of what my family has gone through financially. There were really bad times for us. Such bad times were what make us what we are today. GOD is really good and life really comes around…. And so after all the hardships this is our gift to our dear parents, here’s what it looks like now. A solid and a secure home for all of us… Now I don't need to worry too much about their shelter.

Balik Singapura

Image
Flight namin mamaya alas dos, sana di na kami ma excess hehe… All in all it was a very fruitful and enjoyable holiday... Couldn't wait for the next one.... Today also got the chance to have a picture with Tatay's brother and sister, very rare as Tita Lita now stays in Italy.. Here are the rest of the pics taken during our one week break:

All Saint’s Day

Sabado, araw ng mga patay, pagkakainit, nagpunta lang kami sa sementeryo sandali, ibang iba na talaga pati sementeryo ngayon at saka ibang klase na rin talaga ang init ng panahon. Naalala ko nung araw e hindi man lang napapansin na mainit sa pagpunta sa sementeryo at halos maghapon magdamag kami duon sa nitso ng Mamay. Nakakalungkot na naiiba na talaga ang panahon, sus buti nga natunton pa namin ang puntod ng Mamay / Tiyo Tutoy at Mamay Basilio / Nanay Puti. Nagdala ng bulaklak, nagtirik ng kandila, nagdasal para sa kanila at umuwi na lang uli sa bahay, nakakalungkot din kasi nalimutan ko puntahan yung isang Tiyo namin na kapatid ng Tatay….Minsan magtataka ka rin sa nakagawian ng tao na bakit tuwing Nov1 lang din ang pagdalaw sa mga yumao na?… Nagluto si inay ng tutong kaya panay na naman ang kain namin, sarap kasi ng malagkit rice na me halong black beans tapos sasabawan mo ng ginataang matamis (ewan kung anung tawag dun sa sauce na yun), tsalap talaga bagay na bagay sa kape…..again...