Nanuod ako ng Ip-Man

Sa kawalan ng magawa sa bahay, naghanap ako ng mapapanuod sa koleksyon ni labs,
sabi nya kagabi panuorin ko daw ang Ip Man, sabi ko e ayoko ng lumilipad na mga instik no....pero sabi nya maganda daw hehe, so yun pinanuod ko nga.

Kaso me sub-title lang sya na Ingles at dahil sa hindi ako marunong sa mga adjust adjust na yan sa TV system, di ko nakita sa screen yung sub-title nya..(yun pala kelangan ko daw i adjust ang width ng screen, sows...malay ko ba hehehe)...

Heniwey kahit na wala akong naintindihan sa salita nila e nakuha ko naman ang istorya at ako naman ay nalungkot at napaluha din sa ibang parte ng pelikula.
In fairness maganda nga naman...

Eto ang pagkaintindi ko:
- 1930's to 1940's ang tema ng pelikula, before Japanese invasion at during Japanese invasion
- Si Ip Man (Ip-Mun) ang bida ay mabait, mayaman, kagalang galang at super galing sa wushu (isang uri ng karate ba...)
- Super galing talaga nya as in walang makatalo sa kanya sa wushu kahit na yung mga galing sa Northen part na sumugod pa sa kanilang lugar just to beat yung mga ibang expert duon (except nga ke bida siempre)
- Kaso dumating ang mga hapones at pinalayas sila sa bahay nila at dun na sila naninirahan sa mahirap na lugar tapos wala din sila makain
- Para lang me makain ang kanyang pamilya (asawa at isa anak lalaki), pumasok sya na taga pala ng uling
- Dito nakita nya ang dati nyang mga kasamahan pati na isang kaibigan
- E dito pala sa gawaan ng uling e me hapon na laging pumipik-ap ng tao para lumaban sa hapon na marunong din ng karate at ang mananalo binibigyan ng isang maliit na sako ng bigas
- Si kebigan nya sumama dun sa laban at di na bumalik kasi ang natatalo e pinapatay talaga ng hapon, either sa bugbog o binabaril (huhuhuhu)
- Ang ginawa ni Ip-mun kasi nawala nga yung kebigan nya at hinahanap nya ay sumama din sya dun sa sunod na batch ng makikipag karatehan sa mga hapon...
- Dun sa laban, nakita nya yung isa pa nyang kebigan at nakita nya na nakikipagkaratehan sa hapon, magaling yung kebigan nya kasi sya ang nagturo duon entonces talo ang hapon tapos binigyan yung kebigan nya ng bigas
- Kaso yung isang heneral na hapon na pinakamagaling e inaya yung kebigan ni Ip-mun ng laban ulit sa tatlong hapon pa kapalit ng ewan (di ko alam kasi nga intsik at hapon na ang salita bwehehee)
- Sa galing nung tatlo hapon na pinili ng heneral na hapon e bugbog sarado yung kebigan nya at umayaw sa laban
- Kaso sa pagka ayaw sa laban e binaril naman sya nung isa pang hapon
- Asus kitang kita ni Ip-Mun ang lahat at nang galaite sya sa galit
- Ang ginawa nya ay inaya nya ang lahat ng hapon na andon sa arena, siguro lampas ng dalawampu yun, inaya nya ng sabay sabay na lumaban sa kanya
- Ay sus bakbakan na, sa galit ni Ip-Mun ay natumba nya lahat yung kalaban (ang gleng, ang gleng gleng hehehhe)
- Pagkatapos nun nagtago muna si Ip-Mun kasi hinahanap sya ng mga hapon, tinulungan sya magtago nung dating pulis sa lugar nila na ngayon e interpreter na ng mga hapon
- kawawa din si dating pulis kasi pinagbintangan syang traydor tapos nung tinulungan na nya si Ip-Mun sa pagtatago e halos lagi sya binubugbog ng mga hapon para hanapin nga si Ip-Mun
- Ayaw kasi ni Ip-Mun lumaban kasi nga naman me asawa at anak sya no
- kaso siempre kelangan matapos ang pelikula hehe
- And so nakita sila ng hapon at nakita pa ang mrs nya, so para di pakealaman ng hapon ang pamilya nya e nagpahuli na sya
- Kaya pala gusto sya hulihin, yung heneral na hapon na magaling din sa karate e gusto syang makalaban.
- o e pumayag na sya lumaban para daw sa lahat ng tao intsik na naapi at inaapi (yan ang intindi ko ha)
- araw baga ng laban, sus dami intsik na nanuod, pati pamilya nya andun din
- ETO ANG PINAKA HIGHLIGHT, SA LABAN NILA NG HAPON, BUGBOG SARADO SI HENERAL HAPON AS IN LUPAYPAY AT DUGUAN (beh buti nga sa kanya hehehe)...
- e siempre di papayag ang hapon na talo kaya binaril si Ip-Mun sa dibdib
- nagkagulo ang mga intsik at lumaban sila sa mga hapon na andun
- kala nyo patay si Ip-Mun? hinde....naka alis sila ng pamilya nya kahit duguan sya....
- Tapos na po

Yan ang pagka intindi ko ha...
At hango pala yan sa tunay na pang yayari...

Ganda nga naman istorya...(walang lumipad na intsik hehe)

Comments

Popular posts from this blog

The legend of St. Valentine

Pagbibinata…..

Still on Harry Potter...