Anak ng Jueteng
Yan ang topic kagabi sa The Correspondent thru TFC channel. Ipinagbabawal na naman ang jueteng sa lupang hinirang at madami ang apektado nito. Yung mga nagbigay ng interview ay mga umaasa sa jueteng, karamihan ay mga kapos sa pang araw araw na pangkabuhayan. Me isa pang interview na wala pa daw silang nababalitaan na bumagsak ang kabuhayan sa jueteng, sows!! pano pa babagsak ang isang taong nasa baba na? Madali kasi pagkakitaan ang jueteng and dun lang sila umaasa. Si Lola nga buong buhay na yata tumataya sa jueteng pero di ko alam kung nanalo na ni minsan, tsaka pano kaya tumataya si Lola ngayon gayung bawal na pala, di ko ma-imagine hehe…she's 90plus by the way…
Ang isa pang nakakatawa ay kahit na ipinagbawal, dahil sa pagiging magaling ng isang pinoy ay meron silang ipinalit sa jueteng, "loteng"…base naman sa lotto, but I didn’t catch how it works….Onli in the pilipins, ika nga….

Comments