Yap, uuwi na naman kami sa lupang hinirang, this time para makita ang bagong bahay pati na ang bagong baby ng pamilya. Binyagan ni Red Paolo at pagkakataon na rin naming magkapatid na makita ang bagong bahay. Isa pa kelangan andun kami sa pagbili ng mga kagamitan sa luob at maiayos tuloy ang lahat. Next update, pagbalik na lang namin…… Heksayted sa actual na hitsura ng balay…. At last one of my dream is done….thanks be to GOD…
Ginanap sa Church of the Holy Trinity sa Tampines area, sabi nila dito daw sa Tampines ang pinakamalaking filipino community dito sa Singapore. Siguro nga kasi super dami ulit ng tao. Nakakatuwa talaga... Ang tema ay "Thou shall not Steal", e sabi pa naman ni Father ang panguumit daw e likas na sa pilipino hehe, favorite past time daw at minsan e mismong karir pa ng iba hehe....sabi nya simula pag kabata kahit daw sya e nang uumit sa bulsa ng nanay nya, tapos nangongopya daw sa school at ang karamihan daw sa pinoy ay gusto lagi maka-isa. Sabagay tama naman ang general obserbasyon nya, bakit daw hindi tumulad dito sa Singapore na hindi lang physically malinis ang lugar pati mga tao ay honest at me integridad. Sabi pa nya sana daw 10yrs from now yung mga uuwing pinoy ay dalhin sa pilipinas ang nakaugalian sa Singapore at kahit konting bahagi ay magdudulot ng pagbabago sa bansa.. Again during his homily, nagbasa ulit ng email si Father, regular sender nya si Trining at si Juanit...
My friend Rosaldo is in town again for another business trip and since we have basically covered all the places that needs to be visited here we just have a makan marathon. We tried different restaurants with one result, laging bundat hehehe And as usual hindi mawawala ang pagkamaligawin ni bespren, nalito lang naman sa train from airport to our place. Ni repeat lang naman yung isang trip from airport to exchange station hehe, kaya pala 11pm na e wala pa sa bahay nyehehe... I'm sure next time na visit nya e sanay na sya sa train or talagang normal na lang talaga ang maligaw hahaha....
Comments