New Year countdown....
Mamaya year 2006 na at eto ang mga tradisyones na nakagisnan ko ke madir para daw masuerte sa loob ng isang taon: 1. Maghanda ng bilog bilog na prutas sa mesa (12 types of circular fruits) 2. Dapat meron ka sumisibol na bunga or puno, sa barrio namin young coconut, dito pinyapol... 3. Magsabit dapat ng tig-pito na ubas sa lahat ng bintana at pinto (ewan kung bakit pito lang....mahal kasi ubas hehehe, di kaya?!) 4. Dapat me asin, asukal, bigas at tubig sa ibabaw ng mesa kasama nung mga bilog bilog na prutas 5. Dapat magsuot ka ng polka dots at mas maganda kung pula na polka dots (sabi nung kapatid kong loko, puede na daw yung mga peklat sa binti hehehe...) Eto naman ang seremonyas during midnight mismo at dapat nasa bahay ka pagtuntong ng bagong taon, bawal na bawal ang aabutin ka ng mid night sa ibang lugar, okay lang maglakwatsa before mid night pero dapat nasa bahay ka na ng 11pm. 1. Madami ka coins sa bulsa at pag lipat ng bagong taon, alug alugin mo yung coins mo para daw mapera k...