Posts

Showing posts from December, 2008

Goodbye Lola.....

Amidst the christmas day preparation, a very sad news reach us in Singapore. Our dear Nanay (Lola) passed away on Dec24. She was 96years old. After that Christmas was a blur due to sadness and the harried preparation of going home in time for today's internment. Rachel got a Dec27 am flight and I have used my suppose to be Jan4 flight and was able to be a chanced passenger on a Dec27 flight too but evening time. We were able to be at home for 2days vigil before she finally was laid to rest. Today is Lola Binay's internment. Good bye Nanay, I will always remember you... We love you so...... Rest in Peace.

Happy Birthday Jesus Christ....

Image
Today, as we celebrate Jesus birthday. Let us all be thankful for all HIS blessings on this Special day.... Celebrate this Christmas The birth of God’s Holy Son Give praise and thanks For all that God has done The miracles at this time Are all too often hard to see All of our time is spent Buying presents for under the tree Don’t forget the reason Behind this glorious day Was a babe born in a manger On that blessed Christmas Day His life was laid down for us Christ , he gave us his all To suffer our sins for us In hopes that no one would fall Our sins have been forgiven All that’s asked is we believe There are no words to express The love he has for us Remember how he suffered Before he died on the cross Worship him this Christmas Fall on bended knee Lift your voices singing praises Let him be all you need Though presents and decorations Are a lot of fun Give thanks to God this Christmas He gave the most precious gift to us, The life of his only Son --"Precious Gift" by...

Maligayang Pasko.....

Image
Mula sa aming tahanan, Bumabati kami ng Maligayang Pasko para sa lahat... Nawa ang Kapayapaan, Kaligayahan, Kalusugan at Pagpapala ay makamit nating lahat....

Noche Buena...

Image
Since ako lang ang andito sa bahay, tinuloy ko na ang pagluluto para sa noche buena namin ngayong gabi, Kanina gumawa ako puto at matamis na ensalada, Nagluto na rin ng konting menudo at spaghetti... Halika na at maki-Pasko sa amin....

Ika siyam at huling Simbang Gabi

Sa may Bedok area naman ginanap, sa Church of Our Lady of Perpetual Succor. Madami pa rin ang tao na umatend, medyo late kami kasi late na naka uwi si labs. Entonces sa labas na kami ng Church kasi late na nga... Since last simbang gabi na ito, nagpapasalamat kami sa Panginoon sa lahat ng biyaya na binigay niya sa amin, at sa patuloy na pag gabay sa araw araw naming pamumuhay.... Two out of nine novena ang absent namin, sana next year kung dito ulit kami mag pasko ay mabuo namin ang nine novena para sa Simbang Gabi... At gaya ng dati, me pila ulit ng arroz caldo, last serving ika nga at suerte na naman na nakakain kami ni labs.

Menu for Pasko

Image
Simpleng handa lamang ang napag-usapan namin dito sa bahay, Magluluto na lang ako ng ilang putahe na madaling lutuin at mag-gawa na lang ako ng ilang pastries/sweets.... Kahapon nag luto ako ng ilang embutido, Kanina gumawa ako ng macaroons, At bukas mag luluto ako ng Beef in red wine sa crack pot cooker, menudo as requested ni labs, gagawa na rin ng matamis na salad at puto.... Ayos na ito para sa Pasko. Kayo anong handa nyo?

Ika walong Simbang Gabi

Ginanap sa Church of the Holy Trinity sa Tampines area, sabi nila dito daw sa Tampines ang pinakamalaking filipino community dito sa Singapore. Siguro nga kasi super dami ulit ng tao. Nakakatuwa talaga... Ang tema ay "Thou shall not Steal", e sabi pa naman ni Father ang panguumit daw e likas na sa pilipino hehe, favorite past time daw at minsan e mismong karir pa ng iba hehe....sabi nya simula pag kabata kahit daw sya e nang uumit sa bulsa ng nanay nya, tapos nangongopya daw sa school at ang karamihan daw sa pinoy ay gusto lagi maka-isa. Sabagay tama naman ang general obserbasyon nya, bakit daw hindi tumulad dito sa Singapore na hindi lang physically malinis ang lugar pati mga tao ay honest at me integridad. Sabi pa nya sana daw 10yrs from now yung mga uuwing pinoy ay dalhin sa pilipinas ang nakaugalian sa Singapore at kahit konting bahagi ay magdudulot ng pagbabago sa bansa.. Again during his homily, nagbasa ulit ng email si Father, regular sender nya si Trining at si Juanit...

Pers Berdey pics ni Ian Puti...

Image
Medyo na late ng one week ang konting handaan ni Ian. Eto na ang kanyang mga pics at bisita, simpleng handaan na lang muna sa ngayon...

Ika pitong Simbang Gabi

Uy maganda and simbang gabi ngayon, sa mismong parish ni Father Angel. Sa Church of Saint Michael... Maaga kaming pumunta, araw ng linggo kaya tyak na madami ang kababayan na magsisimba. Sa pagpasok pa lang namin ng 6.45 ay madami ng tao at me pakain na agad sila ng hapunan. Ngayon ko lang nakikita ang ganito sa isang simbahan, ang fellowship na ganito at magandang tingnan. Ang homily ni Father ay tungkol sa binata at dalaga na maging maganda ang kanilang desisyon sa pag hanap ng kasama sa buhay, ika pitong utos "Thou shall not commit Adultery" ang tema ng misa. Pag homily nga pala e nagbabasa si Father ng email / sulat galing sa mga kababayan dito sa Singapore na uma attend ng simbang gabi, minsan me tula pa. Minsan ang tema ng sulat ay ang pag ka gulat nila sa kanilang sarili na dito sa Singapore ay nabubuo nila ang simbang gabi kahit na malalayo ang pagitan ng mga simbahan gabi gabi, talagang nagsasakripisyo sila para lang maka attend ng misa. Sa bawat sulat o email na bin...

Ika anim na Simbang Gabi

Sa Church of St Francis of Assisi sa Boon Lay area... Ang malungkot hindi kami naka simba ngayong gabi.... Instead naaliw si Eric at Chel sa bowling games and it's so late already when they're done. Sayang.....

Ika limang Simbang Gabi

Ginanap sa Novena Church, ang pinaka paborito naming simbahan sa lahat. Dito din kami nag no-novena ke Mama Mary tuwing sabado ng hapon.... Ang paksa sa bawat simbang gabi ay tungkol sa sampung utos ng Diyos, ngayong gabi ay yung ika limang utos "Honor Thy Father and Thy Mother", maganda ang homily ni Father Angel tungkol sa lahat ng mga magulang lalo na yong mga nasa pinas na magulang ng bawa't isa. Pagkatapos ng homily ay nag bless sya sa lahat ng magulang na andon sa misa. At gaya ng mga sinundang gabi, ang dami pa ring tao at talaga namang nakaka tuwa ang attendance ng bawat pilipino.. And of course, andun pa din ang magical arroz caldo ni father kaso sa dami ng tao di ulet nakakain si labs...

Memories of Early Christmas (part6)

Me isa pa pala hehe... Sa umpukan ng bahay namin, higit na pinahahalagahan ang paghahanda sa araw ng pasko kesa sa bagong taon. Ito ang araw na madaming pagkain sa bawa't bahay sa aming umpukan. Umpukan ang tawag namin sa area namin, ang unang bahay malapit sa kalsada ang sa amin, sunod na palikod na bahay ang sa mga Auntie Moning, sunod na palikod uli ang sa Auntie Emmie at pinakadulo ang sa Auntie Leoning. Magkakapatid sila ng mga Inay. Sapul na nakagisnan ko ang masayang pasko sa aming umpukan... Unang una ay magsisimba sa umaga ng pasko at pagkatapos ay mag uuwian at magmamano sa lahat ng matatanda at tapos ay magsisimula na ang pagpila para humingi ng aginaldo. Nakagisnan ko na ang pumila para sa aginaldo pagkatapos magsimba at magmano, una sa mga tiya at tiyo namin, pagkatapos ng ilang panahon ay naging yung mga mas matandang pinsan namin na nag ka trabaho na, hangga sa naging kami naman na ang pinipilahan ng aming mga pamangkin na sa pinsan.... Isang tradisyong masaya at nak...

Ika apat na Simbang Gabi

Ginanap naman sa Church of Christ the King sa Ang Mo Kio area. Maganda ang service at sermon ni Father Angel. It's about the impossible petition/wish that will be made possible. It's true as I have made my peace with a certain person tonight. Pati Arroz Caldo ginawa na ring symbology sa misa. Nagbibiro si father na na-iidentify na daw ang arroz caldo sa simbang gabi sa singapore hehehee...at yun daw nasa likod e mas mauuna sa pila ng arroz caldo. After the mass, sa dami ng tao, walang inabot na lugaw si labs, peborit pa naman nya yun...

Memories of Early Christmas (part5)

Huli na siguro ito, wala na kong maalala hehehe.. nalalapit na kasi ang pasko at ang nasa isip ko ngayon ay kung ano ang lulutuin ko para sa isang simpleng salo salo.... Elementary school again, grade four nagsimula na mag trabaho si Tatay sa abroad at kakambal nito ang medyo pagluwag na sa pamumuhay. Yung parol na dati ay ginagawa from scratch e binibili na lang sa palengke na gawa na. Itong parol laging bahagi ng Christmas party sa aming eskuela, palagi kasing me parada ng parol sa umpisa ng christmas party sa school, siempre dapat bago ang mga damit at bago rin ang parol at dapat me bitbit ka na pang exchange gift....anu kamo ang mga laman, well masuerte ka pag nakakuha ka sa exchange gift ng sabon na safeguard hehe, o kaya yung pretzel na jack and jill, ang malimit e yung sour ball kendi na nasa kahon ang makukuha mo...pero siempre nung araw hindi malalaki ang expectation ng mga bata, masaya na sila na makakuha ng exchange gift, pumarada sa baryo na me bitbit na parol at naka-bagon...

Simbang Gabi sa Singapore at ang Arroz Caldo

Dec 15 - Unang simbang gabi, at ginanap sa St. Anthony Church, Woodlands First time namin mag try na makumpleto ang buong simbang gabi, normally unang gabi lang at huling gabi ang napupuntahan namin, depende pa iyun sa layo ng simbahan, pero ngayong taon na ito susubukan namin na buuin ang siyam na gabi..... Itong Singapore Simbang gabi ay ginagawa na dito sa loob ng siyam na taon at after pala ng service e me fellowship at me pakain na arroz caldo si father at ang kanyang mga committee, ayos din... Dec16 - ikalawang simbang gabi, at ginanap sa Our Lady Star of the Sea Church, sa Yishun naman, wow ang daming tao, masarap ang pakiramdam na merong ganitong tradisyon kahit malayo kami sa Pinas, para na ring nasa pinas sa dami ng pinoy na umattend... again me arroz caldo na naman, it seems na nagiging highlight ng simbang gabi ang arroz caldo session afterwards hehe... Tonight ang ikatlong simbang gabi e sa Seranggon area, sa Church of Immaculate Heart of Mary. Sadly di kami naka-attend ...

Eric and his Gundams...

Image
Eto po naman si labs nung nag sho-shopping kami ng mga toys para sa mga kids e nakakita na rin ng sale na Gundam at namili na rin po ng para sa kanyang koleksyon... o ayan busy sa pagbubuo....

Berdey ni Ian

Image
First birthday ni Ian, ang simpleng handaan ay sa darating na linggo pa.... Happy Birthday Vince Adrian,...next year na lang ang bonggang party ha...

Memories of Early Christmas (part4)

Ay eto pa po...Elementary School kami, yung peborit teacher ko si Miss Joven Reyes, always arrange a group of student na nagsisimba tuwing simbang gabi sa bayan. Nagsimula akong sumama nung ako e nasa grade four at kahit nasa kolehiyo na ako nuon e sumasama pa din paminsan minsan.... Taga kabilang baryo si ma'm, dadaanan nya ang baryo namin, at lahat kami eskuwela nya ay naglalakad papuntang bayan para magsimba, isa-isang dadaanan ang magkaklase hanggang makarating sa simbahan, normally alas otso ang simbang gabi, minsan inaantok pa kami pero sumasama pa rin, masaya ang grupo e. Ang mas masaya pagkatapos ng misa, pumapayag si ma'm Joven na dumaan kami sa plaza para mag laro at bumili ng makakain, mga isang oras kami duon at pagkatapos ay maglalakad na ulet pauwi ng baryo, pag me natirang pera ay dadaan sa bakery at bibili ng meringue para makain habang daan..... Ang pinaka-highlight ng buong simbang gabi e yung huling araw, ika 24 ng december, kasi hatinggabi mismo ang misa at ...

Christmas Tree namin....

Image
Ay talagang pasko na, eto na po yung christmas tree namin sa bahay at handang handa na para sa pasko, nakapamili na rin kami ng mga regalo para sa mga kids..... Sayang di kami makakauwi this Christmas, babawi na lang sa next year

Berdey ni Vins

Image
Berdey ngayon ni bunsong Vins, walang handa at mamasyal na lang daw sila sa SM Batangas, ang sabi daw nung mga pinsan nya e "asan ang cake mo", ang sabi daw ni Vins "intay laang ha at bibili pa kami sa SM, intayin nyo ko ha"..... Four years old na po si Vince Aaron..di na sya chubby as before. Happy Birthday, bunso....malapit ng pumasok sa school...

Si Jolo at Si Vins...

Eto daw pong si Jolo me sumibol na butlig sa noo, sabi ng Tatay nya e sa kaka puyat daw, ang sabi naman ng Jolo e tagihawat daw yun at nag bibinata na sya bwehehehe.... Eto naman si Vince ay mag birthday bukas, ang sabi sa Mama nya e "4 years old na ko bukas, isang tulog na lang at malaki na ako" nyehehhee kaaliw na mga bagets.....

Sanitizing the carpet....

Siempre nagpalit din ako ng carpet kahapon kaso sa tagal na sa taguan nung isang carpet e masakit na sa ilong ang amoy, kaya ang ginawa ko e tumawag ako sa isang pinoy na me business dito, naglilinis sila at nag sasanitize ng kama, sofa, carpet, etc using dry cleaning so kesehodang mahal ang bayad e ipina sanitize and dry clean ko ang aming sofa at carpet.... ayan malapit na talaga ang pasko.....

Binaligtad ang buong bahay at Ipinagpag....

Yap, siempre kasama sa pagiging maybahay na walang magawa, e naisip kong linisin ang buong kabahayan.... pero dahil sa paki usap ni darleng na wag na lang ako masyadong magpagod at wag na wag daw magkakabit ng matataas na dekorasyon kung mag isa lang ako sa bahay.... kaya naisipan kong kuhanin ang serbisyo ng dalawang pinay na nag tatabing guhit sa paglilinis ng bahay, per hora ang bayad sa kanila... entonces pagkatapos ng walong oras na linis, ligpit, tapon ng ibang gamit, palit ng kurtina, palit ng carpet ay natapos din ang aking misyon: malinis at ready na ang bahay para sa paskong sasapit.... ang sarap ng pakiramdam kahit pagod (sila)....

Memories of Early Christmas (part3)

Again si Wena pa lang at ako ang bata sa pamilya namin... I remember this well kasi nun lang kami nagkaroon ng ganun kadaming laruan (plastic nga lang lahat hehehee).... Alala nyo pa si Santa Claus? well, hindi malimit dumaan sa aming bahay si Santa nung araw pero isang pasko at tandang tanda ko pa kung nasan kami nun, di ko lang matandaan kung anu na age namin nun...well, andun kami sa plaza sa bayan, sumimba at pagkatapos magsimba e dumaan sa plaza para maglaro, meron pa nun na parang bump car sa plaza na umiikot ikot sa isang maliit na track na me mini-underground pa, pero I digress (kasama kasi yun sa memorya ko)......andun kami mismo sa area na yun ng dumating yung pinsan ko at ang sabi e umuwi na daw kami at dumaan na si Santa Claus sa bahay...siempre heksayted umuwi at anu ngang saya, meron dun sa bahay na isang malaking malaking plastic na punong puno ng laruan...siempre hindi mga barbie hehe, yung mga plastic na manyika na me damit, lutu tuluang laruan at kung anu anu pang ken...

Barya barya na lang....

Dahil sa ako ay dakilang maybahay na muna ngayon e madami akong libreng panahon, at sa dami ng panahon ko ay di ko na kelangan ang magmadali lagi gaya nung mga nakaraang mga araw... Entonces pag me pupuntahan ako at kelangan kong mag bus and mrt, ginagamit ko yung mga barya na naiipon sa bahay para pambayad ng tiket, talagang me oras ako para magbilang ng barya at maghulog sa automated machine para lang bumili ng pang-isahang tiket kung saan destinasyon ako pupunta, kesehodang pumila pa ako para makuha ko ang 1dolyar na deposito.... yan ang tipid tips number 1, o di paubos na ang barya ni labs hehehe

Memories of Early Christmas (part2)

Well here's another one that I remember well, Every Christmas (and I was in my elementary school), we will think of some ideas or borrow some ideas to have a christmas tree at home...since we can not afford? or won't buy those plastic, big christmas trees, we always think of something to create a homemade Christmas tree.... One season we have this walis tingting as christmas tree, we bought or made a new walis tingting then put it up in a bilao, keep the base steady with rocks, decorated the base with crepe paper (red, of course), or those shiny paper (forgot what's its called), and then we'll string up some paper cut-outs and decorate the walis ting ting strands...o di me christmas tree na kami.. Another one I remember so well also is that we have to drag home, old dry branches of either bayabas tree or kakawati and then put it in a milk can, again with lots of rocks to keep it up, then decorate the whole branches with cotton (parang snow? hehehe)...tapos we'll han...

JES Pinoy D&D

Image
Last night was JES Pinoy D&D. Since I don't work with JES anymore, I came as Labs guest... Okay naman kahit konti lang and umatend pero masaya silang lahat. Nag host si labs at nag-enjoy sya sa kanyang stint as a host.... Kudos to Buddy and Russel who prepared a game ala "Singing Bee"... ang galeng..... Here's some of the photos taken,

Tsokolate....

Image
Here's a Patchi chocolate, pasalubong ni friend Saldo from Dubai... taste heavenly..... and here's Royce chocolates, accidentally found in the basement of Takashimaya (didn't know they sell it here also)...we're so curious why a lot of people are queing for this chocolate so kiasu as we are nyehe...we bought some and wow, tsalap pala nito..... Patchi is also being sold at Takashimaya basement.... Sarap, sarap....panghalang sa choc nuts hehehhe

Red Paolo pics

Image
Eto na po si Pa-u-lo (wika nga ni madir), malaki na rin at palatawa pero sabi ng tatay nya e sa madaling araw lang daw po ito pumupulong at tumatawa...mukhang sumpungin din hehe... Four months old na sya....

Memories of Early Christmas (part1)

Tutal December naman and I don't have much to do these days, ay eto ang ilang kuento ng mga nakaraang pasko na naaalala ko pa paminsan minsan... Dalawa pa lang kami ni Wena nuon (I don't remember my age exactly) and every Christmas we will walked to town to attend the mass service early in the morning. It's really not clear if we walked to church or not but definitely going back to baryo we walked kasi I always remember na dadaan kami sa mga Mamay Luis (my grandpa's brother) para mag mano at mamasko, that time bato na ang bahay nila and malaki yun and it's one of the houses sa baryo na me malaking christmas tree, siempre sa aming maliliit na tsikiting e malaking bagay ang me ganung kalaki na christmas tree, unang una wala kami sa bahay na ganun and to see the lights and gifts underneath the tree is so overwhelming sa isang bata na hindi sanay sa ganun... heniwey we always always will eat suman and tsokolate drink duon sa mga Mamay Luis, I really don't remember k...

Unang Araw ng Paskong darating.....

Uy Disyembre na naman, kahit walang trabaho, tuloy pa rin ang paskong masaya... Tyak sa pinas me tugtog na ng awit pamasko. Eto na lang muna to welcome the 1st of December, maganda itong awiting ito......yung version ni Clay Aiken ang pinapakinggan ko....very nice....(search nyo na lang sa you tube hehehe) Mary, did you know That your baby boy will one day walk on water? Did you know That your baby boy will save our sons and daughters? Did you know That your baby boy has come to make you new? This child that youve delivered Will soon deliver you Mary, did you know That your baby boy will give sight to a blind man? Did you know That your baby boy will calm a storm with his hand? Did you know That your baby boy has walked where angels trod? And when you kiss your little boy Youve kissed the face of god Mary, did you know? The blind will see The deaf will hear And the dead will live again The lame will leap The dumb will speak The praises of the lamb Mary, did you know That your baby boy ...