Ika pitong Simbang Gabi
Uy maganda and simbang gabi ngayon, sa mismong parish ni Father Angel.
Sa Church of Saint Michael...
Maaga kaming pumunta, araw ng linggo kaya tyak na madami ang kababayan na magsisimba.
Sa pagpasok pa lang namin ng 6.45 ay madami ng tao at me pakain na agad sila ng hapunan.
Ngayon ko lang nakikita ang ganito sa isang simbahan, ang fellowship na ganito at magandang tingnan.
Ang homily ni Father ay tungkol sa binata at dalaga na maging maganda ang kanilang desisyon sa pag hanap ng kasama sa buhay, ika pitong utos "Thou shall not commit Adultery" ang tema ng misa.
Pag homily nga pala e nagbabasa si Father ng email / sulat galing sa mga kababayan dito sa Singapore na uma attend ng simbang gabi, minsan me tula pa. Minsan ang tema ng sulat ay ang pag ka gulat nila sa kanilang sarili na dito sa Singapore ay nabubuo nila ang simbang gabi kahit na malalayo ang pagitan ng mga simbahan gabi gabi, talagang nagsasakripisyo sila para lang maka attend ng misa. Sa bawat sulat o email na binabasa hindi nalilimutang banggitin ang magic ng arroz caldo, sabi ko nga sa inyo it grows on you...o sa opinyon ko e sa pagtatapos ng misa at sa pagpila sa arroz caldo at sa mismong pagkain nito ay ibinabalik ang bawa't isa sa pilipinas, yan siguro ang dahilan kung kaya madami ang natutuwa sa arroz caldo ni Father Angel...
Ngayong gabi kahit madami ang tao ay madami talaga ang pag kain, kaya halos lahat yata ay nakatikim ng arroz caldo, tuwang tuwa si labs kasi nakakain ulet sya...masarap daw kasi me blessing ni Father.......

Comments