Memories of Early Christmas (part6)
Me isa pa pala hehe...
Sa umpukan ng bahay namin, higit na pinahahalagahan ang paghahanda sa araw ng pasko kesa sa bagong taon.
Ito ang araw na madaming pagkain sa bawa't bahay sa aming umpukan.
Umpukan ang tawag namin sa area namin, ang unang bahay malapit sa kalsada ang sa amin, sunod na palikod na bahay ang sa mga Auntie Moning, sunod na palikod uli ang sa Auntie Emmie at pinakadulo ang sa Auntie Leoning. Magkakapatid sila ng mga Inay. Sapul na nakagisnan ko ang masayang pasko sa aming umpukan...
Unang una ay magsisimba sa umaga ng pasko at pagkatapos ay mag uuwian at magmamano sa lahat ng matatanda at tapos ay magsisimula na ang pagpila para humingi ng aginaldo.
Nakagisnan ko na ang pumila para sa aginaldo pagkatapos magsimba at magmano, una sa mga tiya at tiyo namin, pagkatapos ng ilang panahon ay naging yung mga mas matandang pinsan namin na nag ka trabaho na, hangga sa naging kami naman na ang pinipilahan ng aming mga pamangkin na sa pinsan....
Isang tradisyong masaya at nakaka-tuwa, kahit konting aginaldo lamang ang inaabot ang mahalaga ay sama sama sa araw ng pasko....

Comments