Memories of Early Christmas (part4)
Ay eto pa po...Elementary School kami, yung peborit teacher ko si Miss Joven Reyes, always arrange a group of student na nagsisimba tuwing simbang gabi sa bayan. Nagsimula akong sumama nung ako e nasa grade four at kahit nasa kolehiyo na ako nuon e sumasama pa din paminsan minsan....
Taga kabilang baryo si ma'm, dadaanan nya ang baryo namin, at lahat kami eskuwela nya ay naglalakad papuntang bayan para magsimba, isa-isang dadaanan ang magkaklase hanggang makarating sa simbahan, normally alas otso ang simbang gabi, minsan inaantok pa kami pero sumasama pa rin, masaya ang grupo e. Ang mas masaya pagkatapos ng misa, pumapayag si ma'm Joven na dumaan kami sa plaza para mag laro at bumili ng makakain, mga isang oras kami duon at pagkatapos ay maglalakad na ulet pauwi ng baryo, pag me natirang pera ay dadaan sa bakery at bibili ng meringue para makain habang daan.....
Ang pinaka-highlight ng buong simbang gabi e yung huling araw, ika 24 ng december, kasi hatinggabi mismo ang misa at siempre sama sama pa rin kami....
Imagine mo from grade 4 ginawa ko 'to, elementary friends muna tapos barkada sa baryo nung panahon ng secondary school, me panahon din na ang sama sama naman e yung mga mag kaka-loveteam kumbaga nung araw hehe....
Sumakabilang buhay si Ma'm at nawala na rin ang tradisyong sama samang pagsimba ng isang buong klase pag simbang gabi.....

Comments