Memories of Early Christmas (part3)

Again si Wena pa lang at ako ang bata sa pamilya namin...

I remember this well kasi nun lang kami nagkaroon ng ganun kadaming laruan (plastic nga lang lahat hehehee)....

Alala nyo pa si Santa Claus? well, hindi malimit dumaan sa aming bahay si Santa nung araw pero isang pasko at tandang tanda ko pa kung nasan kami nun, di ko lang matandaan kung anu na age namin nun...well, andun kami sa plaza sa bayan, sumimba at pagkatapos magsimba e dumaan sa plaza para maglaro, meron pa nun na parang bump car sa plaza na umiikot ikot sa isang maliit na track na me mini-underground pa, pero I digress (kasama kasi yun sa memorya ko)......andun kami mismo sa area na yun ng dumating yung pinsan ko at ang sabi e umuwi na daw kami at dumaan na si Santa Claus sa bahay...siempre heksayted umuwi at anu ngang saya, meron dun sa bahay na isang malaking malaking plastic na punong puno ng laruan...siempre hindi mga barbie hehe, yung mga plastic na manyika na me damit, lutu tuluang laruan at kung anu anu pang kendi at laruan, ay siempre ang saya saya namin ni Wena.....

San kaya kumuha si Santa nang pambili nung panahong yun hehe, siguro naka bonus kasi tanda ko si Santa e datihang sa Fortune Cement nag tra-trabaho....

Comments

Popular posts from this blog

The legend of St. Valentine

Pagbibinata…..

Still on Harry Potter...