Memories of Early Christmas (part5)

Huli na siguro ito, wala na kong maalala hehehe..
nalalapit na kasi ang pasko at ang nasa isip ko ngayon ay kung ano ang lulutuin ko para sa isang simpleng salo salo....

Elementary school again, grade four nagsimula na mag trabaho si Tatay sa abroad at kakambal nito ang medyo pagluwag na sa pamumuhay. Yung parol na dati ay ginagawa from scratch e binibili na lang sa palengke na gawa na.

Itong parol laging bahagi ng Christmas party sa aming eskuela, palagi kasing me parada ng parol sa umpisa ng christmas party sa school, siempre dapat bago ang mga damit at bago rin ang parol at dapat me bitbit ka na pang exchange gift....anu kamo ang mga laman, well masuerte ka pag nakakuha ka sa exchange gift ng sabon na safeguard hehe, o kaya yung pretzel na jack and jill, ang malimit e yung sour ball kendi na nasa kahon ang makukuha mo...pero siempre nung araw hindi malalaki ang expectation ng mga bata, masaya na sila na makakuha ng exchange gift, pumarada sa baryo na me bitbit na parol at naka-bagong damit at pagkatapos e kakain ng pansit at iinom ng royal tru orange o kaya e mirinda.....

Comments

Popular posts from this blog

The legend of St. Valentine

Pagbibinata…..

Still on Harry Potter...