Happy Birthday Jolo M…..





Six years ago dumating sa buhay namin si Jose Paolo. Second baby ng sister ko and our second nephew. He is so totally different from his big brother. I can say big brother Iel looks exactly like their father and Jolo looks like my sister. Kung gano kalaki si Iel ganun naman kaliit si Jolo. Nung ipinanganak sya wala na ko sa Pinas so hindi ko nakita ang paglaki nya, sabi nila kulot na kulot din ang buhok nya and mahaba ang pilik mata and malimit mapagkamalan na girl kasi yung mukha nya parang sa babae hehehe…..So porke wala ako sa pinas ang kilala lang nya ay si Tita Chel nya and he will not remember me. Recently na nga lang nya ako nakilala and to think Ninang pa ako hahaha…

Madaming kuento si Jolo, iba ibang anecdotes na nakakatawa: Napaka conscious sa pananamit, pati sa buhok, pag hinahatid ng Tatay sa school eh sa likod daw sumasakay kasi mapapayid daw buhok nya, meron pa yang cologne sa bag nya hehe….makulit na bata, at laging sya ang sumasagot sa telepono pag tumatawag kami, minsan ayaw makipag usap, minsan naman daldal ng daldal. Mas malimit ang magbilin ng iba't ibang laruan basta kausap kami.

Maka Papa sya (lolo nya), meron Papa/Mama Sambat at meron Papa/Mama Bayan. Yung Sambat eh sa side namin at yung Bayan ay sa side ng bayaw ko. At gaya ng Papa Sambat nya mahilig sya sa kape at suman, sinukmani at kung ano anong local na kakanin.....naalala ko pag nagkakape ang tatay kelangan meron din sya sa tasa nya and hilera sila dun ng Tatay sa me hagdan, mga three or four yata sya nun hehe..

Today Jolo will have a small celebration daw sa kanilang munting garden with the rest of family lang and special request attendance of Kuya Arvin...

So HAPPY BIRTHDAY JOLO and wish you more happiness to come, from all of us here (Tito, Tita & Tita)...

Comments

Popular posts from this blog

Lipat Bahay na….

Another Lunch...

Leaving Home for the kids Future…