VinJoiel

A suburbian soul living in the concrete jungle...

Saturday, December 31, 2005

New Year countdown....

Mamaya year 2006 na at eto ang mga tradisyones na nakagisnan ko ke madir para daw masuerte sa loob ng isang taon:

1. Maghanda ng bilog bilog na prutas sa mesa (12 types of circular fruits)

2. Dapat meron ka sumisibol na bunga or puno, sa barrio namin young coconut, dito pinyapol...

3. Magsabit dapat ng tig-pito na ubas sa lahat ng bintana at pinto (ewan kung bakit pito lang....mahal kasi ubas hehehe, di kaya?!)

4. Dapat me asin, asukal, bigas at tubig sa ibabaw ng mesa kasama nung mga bilog bilog na prutas

5. Dapat magsuot ka ng polka dots at mas maganda kung pula na polka dots (sabi nung kapatid kong loko, puede na daw yung mga peklat sa binti hehehe...)


Eto naman ang seremonyas during midnight mismo at dapat nasa bahay ka pagtuntong ng bagong taon, bawal na bawal ang aabutin ka ng mid night sa ibang lugar, okay lang maglakwatsa before mid night pero dapat nasa bahay ka na ng 11pm.

1. Madami ka coins sa bulsa at pag lipat ng bagong taon, alug alugin mo yung coins mo para daw mapera ka sa susunod na taon (dito dollar coins kaya tyak times 33p sa susunod na taon hehe)

2. Kung maliit ka mag lundag lundag ka para daw lumaki ka sa susunod na taon

3. Buksan lahat ng ilaw sa loob ng bahay, pati na ang bintana, pinto, drawers at mga cabinets...

4. Magluluto ng palitaw lulubog lilitaw (ito ang di maganda kasi minsan lumulubog yung palitaw so buong taon ka raw naka lubog, sus...)

5. Paandarin ang sasakyan, buksan ang ilaw at magbusina habang lumilipat ang taon...

6. From top of hagdan maghahagis ng coins pababa hangga sa kitchen at the next day mo pupulutin mula naman sa kitchen paakyat ng hagdan...

7. Gumawa ng lahat ng ingay na magagawa para daw lumayas ang bad luck (di kaya matakot din ang papasok na good luck?!!)


At ang pinakamalupit sa lahat, sa first day of the year ay wag na wag daw gagastos para di gastador ng buong isang taon.....
Usually all along these times, tulog si padir or else pailing iling lang sya saying "kalokohan yan" hehehe....

Kahit katawa tawa ay sumusunod ako at ginagawa ko ang iba sa mga tradisyones na nakagisnan ko when we do our new year celebration here in singapore, not bad I suppose as we continuously feel blessed all year through...

Anyway from last night's tv patrol, sabi nung fung shui expert ay wag daw bibili ng fruits na me black seed and dapat daw me urn na me bigas sa loob at natatakpan ng red cloth...
Eto naman ay from my dadi bong: yun daw kaliskis ng isda ay itago sa wallet for one year...di ko ma-get significance hehehe...

So kayo? ano naman ang gagawin nyo para umakyat ang suerte sa new year?....

HAPPY NEW YEAR everyone!!!! Good Health & Prosperity to us all.....
And may the LORD always keep us and guide us.....

Thursday, December 29, 2005

Things that I would like to do.....

1) Read all the books that I have been buying for the last few months (about 5 books now since I've stopped reading...)

2) Re-watch my whole set of "Friends" series (season 1 to season 10)

3) Start on a new cross stitch pattern (I still have not found my completed cross stitches till now....)

4) Organize all the photos taken and create cd back-ups (before the desk top pc crash again...)

5) Update my other diary and this blog on a daily basis

6) Organize all the old photos I have brought over from pinas

7) Do a scrapbook of all my fave photos

8) Learn how to knit

9) Watch hubby's dvd collection of movies and tv series

10) Organize the software cd's at home

11) Make a movie out of all my mini dv's taken on special occasions here and in pinas

12) Spend hours on my apple laptop since I am really not using it these past few months

13) Update some new songs on my ipod, getting tired of listening to the same album everyday during my train ride

14) Organize the study room layout

15) Buy cd cases for those "hubad" cds

16) Re-watch some favorite movies re: About a Boy, Love Actually, Kungfu Hustle, etc, etc

17) Go to Borders and browse on books that I would like to buy

18) Buy some new music cds as I haven't bought any for the past six months yata....

19) Plan a real vacation for hubby and me

20) Just laze around the house doing nothing for once.......

I really don't have much spare times for above list and I wish I could at least do five out of 20....hay layp......
sometimes I miss those old days of just me alone in an empty house.......

Wednesday, December 28, 2005

Sayang.....

Fiesta sa Sambat from today until Dec 29. Every five years lang ang okasyon na ito sa aming barrio. Yung unang fiesta kami ng grupo ko na "Lagatak '85" ang nag-organize lahat. Bale pang apat na celebration na ito since then. Tonight there will be a dinner & dance affair and they will give recognition to those who graduated from "Mababang Paaralan ng Sambat", those individuals that became successful in their chosen field. Tomorrow there will be a parade of floats and halos lahat daw ay gustong sumali hehe...and me dance contest pa yata and as usual yung normal sa barrio pag fiesta na me artista na mag show sa Dec29 after ng pursisyon...

Eto ang nakakalungkot, hindi kami nakauwi para maki-celebrate kasi kinulang kami sa panahon na magplano sa pag-uwi. Ang nasa isip ko kasi I will not feel anything kahit mag-fiesta sila kaso for sentimental reasons bigla ako nalungkot kasi wala kami dun. Besides umuwi yung mga friends ko living in different countries and kung umuwi ako sana mas masaya kami as a group sa reunion. Dapat kasi before Christmas ay nag-book na kami ng flight, and actually me waiting list booking na nga kami kaso pina-cancel ko thinking kasi na I'm still new in the company and will not be able to take paid vacation yet...so eto ngayon mangiyak ngiyak sa panghihinayang....

hay layp...so we have to wait for another five years...fiesta 2010...aiyoh!!!

Tuesday, December 27, 2005

Eto pics ni Vince...



Eto na yung picture ni Vince on his bday party...hintay pa ulit kami ng tinging padala ng mga nasa pinas..sus...

Monday, December 26, 2005

Christmas...

The day after christmas, it's so quiet here in the house unlike yesterday with all our friends here coming over for christmas get together..
okay din at lumipas naman ang isang pasko dito sa singapore..medyo malungkot din kasi hindi nakauwi sa pinas.

I was not able to keep this blog updated and hopefully by next year I'll be able to do a daily update.

For now we wish you all a very merry christmas......

Tuesday, December 20, 2005

CHRISTMAS IN OUR HEARTS

Whenever I see girls and boys
Selling lanterns on the streets
I remember the Child
In the manger as He sleeps
Whenever there are people
Giving gifts, exchanging cards
I believe that Christmas
Is truly in their hearts

Let's light our Christmas trees
For a bright tomorrow
Where nations are at peace
And all are one in God

Chorus
Let's sing Merry Christmas
And a Happy Holiday
This season may we never forget
The love we have for Jesus
Let Him be the One to guide us
As another new year starts
And may the spirit of Christmas
Be always in our hearts

In every prayer and every song
The community unites
Celebrating the birth
Of our Savior Jesus Christ
Let love lights that starlight
On that first Christmas morn
Lead us back to the manger
Where Christ the Child was born

So come let us rejoice
Come and sing a Christmas carol
With one big joyful voice
Proclaim the name of the Lord!

Repeat Chorus (2x)

Saturday, December 17, 2005

Still on Vince bday...





This was Vince a year ago, I'll post his latest pics after his party tomorrow. I'm sure he will enjoy his party, me pagkapasaway itong aking pamangkin and he loves attention too...kahit di nya kilala basta sabihan lang sya na mamamasyal sila ay sumasama agad...

Nakakatuwa talaga ang me baby sa bahay, masarap kaaliwanân..tyak mmadami pa kuento bukas tungkol sa kanyang party so I'll do the updates then...

Thursday, December 15, 2005

Unang Simbang Gabi

Last night we went to St Anthony de Padua parish church for the first mass of simbang gabi. It was nice that the filipino community have started this tradition here in Singapore. I've felt the true spirit of Chirstmas the way it was back home, dito kasi you will not feel it aside from seeing too much commercialized display on big malls, with all the people going frantic with last minute christmas shopping...

Well, last night it whelms me up hearing the beautiful mass given by Father Angel and hearing the choir singing christmas tagalog songs of worship...and everyone greeting each other merry christmas...

Pero siempre na miss ko yung kagaya sa probins, me plaza at maraming tinda sa labas ng church. Panahon ito ng malamig na simoy ng hangin at maiinit na bibingka....truly miss those times...

Tuesday, December 13, 2005

Vince First Birthday...

Opo bday ni Vince aka ente kabisote...sa Sunday dec18 ang celebration. Will do the update then....

Wednesday, December 07, 2005

Pansin ko lang...

Dahil sa napilitan akong lumipat ng ibang train coach kaninang morning, dun ako pumunta sa kabilang dulo, bale on my left side entering the control station. And it dawns on me that there's not much crowd on that end of the train so unlike on the other end that you will really bump into each other, anywho I therefore conclude that since most of the people are right handed the tendency is to go to their right side automatically when they went up the escalator hence ending up on the too crowded part of the train....

Of course it's my own theory lang pero from tomorrow onwards i'll go to the less crowded part of the train, easier to get a seat lah......

Monday, December 05, 2005

Ano ba ang panlaban sa inip....

Lumipat man ako ng kumpanya, ganun pa rin ang buhay ko. Minsan madami ginagawa, minsan wala...kagaya kanina at nuong nagdaang linggo, wala talaga akong ginagawa kung hindi ang mag-imbento ng kung ano ano lang trabaho para hindi naman halata na nakaupo lang ako sa aking mesa. Mahirap ang mag-kunwari na meron ginagawa, mahirap din sa balikat at kamay ang gumawa ng walang katuturan sa trabaho, at ang pinaka mahirap labanan ay ang pagkainip sa loob ng walong oras na andito lang sa harap ng computer, maghintay na matapos ang isang araw...mahirap din ay ang lumaban sa antok...Nakakaisip tuloy ako ngayon na patulan yung tumatawag sa aking ahensya para sa ibang kumpanya...mas mataas na salary package pero tyak na ang susunod na reklamo ko ay di na makapahinga sa dami ng ginagawa hehehe....

Kumpara sa ibang tao ay alam ko na masuerte na ako at eto lang ang problema ko..
tao lamang po, mareklamo sa buhay at walang kasiyahan....

Sunday, December 04, 2005

Malapit na ang pasko ay sumapit...

Yap, malapit na nga ang pasko kaso di kami makaka-uwi sa pasko, ala na daw budget heh...we still don't know, who knows pag bigla nag promo ang airlines at mura ang pasahe we might go home....we'll see...

So this week end, as usual I've clean-up up the whole house and did some decorations for Christmas. Changed our living room & study room curtains, vaccuum the whole house, hike up to ikea for new rugs and some decors, bought some star lights to hang around the house and we put-up our christmas tree....soon we have to start buying the children's gift....pasko na ngang tunay..

Sa pinas kaya??

Thursday, December 01, 2005

Still on Labs birthday..

Last Saturday was a blast. We were up and running at 7am. While Rach cleans up me and hubby went out to buy what we need for dish preparation. I was cooking by 10am until 4pm in the afternoon. Luckily I have the two for assistance, at least di na ko nag gayat gayat…

By 6pm, visitors kept on coming until 8pm. There were so many of them that I overlooked to entertain some friends. Parang fiesta ang bday ni labs. He was so happy dahil ngayon lang kami nag handa during his special day. Normally I will just buy a cake and ice cream or cook something and we will celebrate alone. This time, he wants to treat most of his friends. Anyway the party turns out well, almost all his pinoy colleagues came and so our common friends…It lasts until 2am with the first one leaving at 10pm…Siempre as per norm, nagkantahan pa sila….


By Sunday I was so tired that I felt like it was an aftermath of a typical fiesta celebration sap robins…Around lunch time; Alan, Sonia, Ariel and the two kids came back again and another round of eating, drinking and singing was done until 6pm…kay saya ulit ng baranggay and buti na lang di kami nasasaway ng kapitbahay or worse ng pulis hehehe…



7pm after they all left we went out and saw the latest Harry Potter movie (Goblet of Fire) which we have been trying to see for 2days last week with no luck.

There goes our week-end…..

Monday – after work we went out for dinner at Kuali (Suntec). This time dinner was for his non-pinoy friends from work. We had good conversations, good food and great company. Finally I’ve met some of his work colleagues. We stayed out until 10.30pm and were at home by 11.30pm, and I feel so tired by then….my aging bones heh….

All in all it was a great way to celebrate a 33rd birthday….so dear hubby Happy Birthday again….Good health and many happy returns to come….