Si Jolo at ang kanyang Love Birds

Ito pong si Jolo M. tuwang tuwa mangulekta ng pets, meron sya itik, aquarium at gusto pang bumili ng love birds.

Entonces sa kakukulit, binili rin sya ng love birds na walang hawla…tapos ang next na kinulit e ang pagbili ng hawla at lagi tinatawagan Papa nya para samahan sya tumingin daw ng bahay ng mga ibon nya…

Ganito pa ha, magaling gumawa ng kuento…ang sabi sa Papa nya e sabi daw ng Inay nya e samahan sya mag tingin ng hawla, nung matapos sila tumingin ang sabi naman sa Inay nya e okay na daw yung nagustuhan nya hawla para sa Papa nya at puede na daw bilhin…maloko no….

Kaya ayun kahit me kamahalan yung hawla ng ibon e natuloy pa rin ang gusto nya para sa kanyang mga Love Birds….

Comments

Popular posts from this blog

Lipat Bahay na….

Another Lunch...

Leaving Home for the kids Future…