Allison's unang linggo sa day care...

Ay ito pong si Allisson nag simula sa school nung lunes, eto ang mga unang araw nya, matutuwa ka talaga:

- Unang araw, naka uniform na tapos nag iiyak nung malaman nya na di pala sya dun papasok sa school ni kuya nya, sows gulong daw sa garahe hehe., naulukan kasi nakita dumadaan na yung mga kaklase nya so tumahan at papasok na daw sya, nag pa karga hanggang school (yung day care dun lang sa baranggay namin sa me chapel, 3 houses from ours). So kawawa naman and we thought of transferring her to Vince school, gusto daw nya dun sa school na me swimming pool hehe, well nung nasa classroom na sya e likot na likot daw at panay lapit sa teacher at me binubulong, yun pala ang binubulong e "teacher, uuwi na po ako" hehehe, that does it...dun muna sya day care sa baranggay hehe

- Padalawang araw, kala namin mag iiyak na ulit pero di na at okay na sa kanya dun sa school nya, kaso nung nasa classroom na e hindi daw nagpa-participate sa activities, ang ginagawa e bukas sara bag nya, labas suklay at suklay ke suklay ng mahaba nyang buhok hehe....

- Patatlong araw, ayaw pa rin mag participate, bakit daw ganun ang songs sa school, ayaw daw nya, ang gusto e yung mga kanta nya sa bahay, yung mga theme song sa dyesebel etc, sows...

- Pa apat na araw, ayaw pa din mag participate at ayaw daw nya yung pinapanuod sa kanila sa tv, ang gusto yung nakasanayan sa bahay, yung power ranger, sows...

- Pa limang araw, aba nagparticipate at na very good daw sya teacher, anu kamo ginawa, kumanta daw sya!! at ano kamo activities nila that day? PE....nyehehehe

yan po si bunini sa kanyang unang linggo sa school, siguro naman e mag eenjoy na rin sya sa lessons later on...well sana nga hehehe

Comments

Popular posts from this blog

Lipat Bahay na….

Another Lunch...

Fiesta sa Bauan