Si Jolo na naman...

Eto ang latest ke super kulit at kakaibang si Jolo M.

- malapit na ang 7th birthday nya so sabi sa Inay nya ay maghahanda sya at gusto nya me karaoke...(he can sing "When September Ends" by Green Day ba yun??)

- habang papalapit birthday nya panay imbita sa klasmeyt nya at ginawan pa daw ng mapa ang mga klasmeyt nya para di maligaw, ang siste ang mapa nya ay "diretso diresto ka lang tapos liliko ka tapos diretso ulit tapos liko ulit tapos gate na" hehehe...

- every day daw pag hinahatid sya ni Papa sa school ang request agad ay "Papa, pakibukas mo nga radyo mo at baka me bagyo ay wala pasok"...hehehe, kahit katirikan ng araw...

- sabi pa sa Papa nya mas magaling daw ang school nya ngayon na Regina kesa St. Berchmans kasi pag me bagyo daw ay wala pasok pero sa Berchmans daw kahit me bagyo me pasok...kaiba talaga katwiran hehehe...

- Grade 1 na po sya at ang siste di daw bumibili ng pagkain kapag recess na kasi ang hinahanap nya na food ay yung tinda nung previous day, every day hinahanap nya yung tinda nung nakaraang araw at yun daw ang gusto nya, sabi ng Inay nya "anak, bumili ka na lang ng gusto mo sa day na yun", sagot sa kanyang inay "di daw puede ang ganun" hehehe...

- sabi sa Tatay nya habang kausap sa phone "Tay, mahirap ba trabaho mo dyan? pag maalwan ibili mo ko pasalubong ha"

Yan po si Jolo M. at 7 years old pa lang yan ha...

Comments

Popular posts from this blog

Lipat Bahay na….

Another Lunch...

Leaving Home for the kids Future…