Mga blog na binabasa ko

Aalis na daw yung peborit kong basahin na me ari ng blog, pupunta na daw sa us of a. Sana kahit andun na sya ay magsulat pa rin sya. Tatlo lang silang perborit blog ko, si tambay from singapore, si sassy from pinas at si cat from usa….tambay & cat for amusement and sassy for food blog and opinions on government issues, etc; si tambay parang kausap mo yung mga barkada mo na taga probins na down to earth, si cat parang cynic na me humor at si sassy magaling magluto, halos yata lahat ng pinakain ko ke taba eh dun ko kinuha sa food blog nya…magaling pang nanay at asawa.

Pero kahit malimit ako sa blog nila ay di ako mag iwan iwan ng comment…ewan lang….basta enjoy na lang ako magbasa ng blog nila..

Bye tambay, sana ma-update pa rin yung blog nya kahit di na sya tambay na engineer sa singapore….

Comments

Popular posts from this blog

Lipat Bahay na….

Another Lunch...

Fiesta sa Bauan