Malapit na ang mahabang bakasyon, 75dias na lang…

Opo, kami po ni labs ay mahaba haba ang bakasyon sa disyembre kumpara sa mga nauna naming mga bakasyones, ang tanda ko na pinakamahaba naming bakasyon ay nuong ikasal kami sa simbahan, sus taong 2002 pa iyon…

Eniwey itong nalalapit na paskong bakasyon ay halos di na ako makahintay, tyak masaya ang buong barangay. Aprubado na ang aming bakasyon mula 15disyembre hangga 6enero ng susunod na taon. Nakapag unang bayad na rin kami para sa aming flight pa uwi sa bayang magiliw…

Ngayon ang kelangan ko na lang ay ang extrang oras para ako maka pag plano ng maaga sa pag uwi na iyon. Siempre kelangan sapat ang budget at naka detalye ang mga gagawin pag andun na sa pinas…ganyan ako ka oc….

See you soon Ambe, Iel, Jolo, Vince & Ally danda…

Comments

Popular posts from this blog

Lipat Bahay na….

Another Lunch...

Leaving Home for the kids Future…