Box-up time

Yeah, malapit na ulet ang pasko ay sumapit at umpisa na naman sana ng pamimili para mailagay sa isang jumbo na balikbayan box ang mga abubot / pasalubong / papasko para sa nasa lupang hinirang pero this time naiba ang linya ng pamimili namin ni sister, inumpisahan sa mga abubot para sa magiging bagong bahay at naging karir na malaunan ang pamimili ng iba ibang aksesoriya para sa magiging bagong bahay…inumpisahan sa kusina, banyo, kuarto at kung anik anik pa, hanggang mapadayo sa Ikea at makakita ng magagandang window blinds na yari sa kahoy na mas mura kesa sa bumili sa pinas kaya pati blinds dinamay na rin….

Sa wakas napuno rin ang isang Jumbo na balikabayan box, kinuha kaninang umaga at ang ship-out daw e sa biyernes na darating.
Give or take 2-3wks shipment / clearing time, andun ang kahon sa pinas by 4tt week of October, tamang tama sa uwi namin….

Entonces wala munang papaskong kahon ngayong taon….bow….

Comments

Popular posts from this blog

Lipat Bahay na….

Another Lunch...

Leaving Home for the kids Future…