Sale! Sale! Sale!

O di nga ba at Ramadan month, at kesyo malapit na ang Hariraya natural kabi-kabila na naman ang sale dito. Sabagay e sadya naman di na nawala ang sale dito. Simulan natin sa pagpasok ng bagong taon at andyan na ang CNY sale, tapos Valentine’s sale, tapos me IT show pa na sandamakmak ang electronics sale na good deal na din naman sa dami ng freebies, tapos papasok ang Great Singapore sale na tatlong buwan ang durasyon, at sasabay pa ang National day sale, pagkatapos ay Hariraya sale, Deepavali sale at ang pinakagusto ng lahat ng tao na mahilig sa shopping…ang Christmas sale….

Eto ang masaya, nito lang Hariraya sale e kung saan saan na kami nakapunta para magtingin ng sale, umpisahan yan sa mga forwarded mails na sale dito or duon, tapos ayun na magkakaayaan na po…last week lang hangga Changi area e nagalugad namin sa paghahanap ng isang warehouse sale, ang malupit wala naman kami normally nabibili kasi either super crowded or wala magustuhan. Pero minsan din naman me makukuha kang good buy….
Sabi nga ni mister, kinarir na daw namin ang sale hehehe…..sabi ko naman basta ba good buy okay lang naman, di po ba?!

Comments

Popular posts from this blog

Lipat Bahay na….

Another Lunch...

Leaving Home for the kids Future…