Bob Ong Quotes

from forwarded emails: Bob Ong Quotes pampalipas oras, magbasa muna kayo...at pulutin ang aral na makukuha.. kung meron....


PAG-IBIG
"Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo paramahalin ka nya.."

"Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun ngalang, hindi lahat matibay para sa temptasyon."


"Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utakpara alagaan ang sarili mo."

"Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."

"Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

"Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

"Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kungwalang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."

"Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo...Dapat lumandi ka din."

"Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod naaraw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

"Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundipagkukusa."

"Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rinna di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."

"Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pagnatuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?"

"Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap nasa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasamaka."

"Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin angpuso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon,kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mona kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wagmong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo:magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso,utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAWmismo!"

PAG-AARAL
"Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang kapagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw nawalang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!)."

"Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ngsyllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kungkanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maramingsubject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka.Isa-isa tayong ga-graduate, iba't-ibang paraan. tanging diploma ay ang mgaalaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarapnating baguhin minsan..."

"Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man langpaboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mgataong literado pero hindi nagbabasa."

"dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung 'di mo pagtityagaan, limangdekada ng kahirapan ang kapalit. sobrang lugi. kung alam lang 'yan ng mgakabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela."

BUHAY (IN GENERAL)
"Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi itomultiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindibase sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mgaisinulat o wala. Allowed ang erasures."

"Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nangnakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayangumiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kungsaan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan."

"Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya,palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung maypagkukulang sa'yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sapag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sakili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan atbait sa sarili."

"Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto momang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of WorldRecords at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mongpansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa'yo. Kung hindinagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sajupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiterdahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?"

"Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangonka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubosang oras."

HALO-HALO
"Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima , sampung taon sa hinaharap,mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ngkapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magalingmag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman.Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan enagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."

"ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko."

"hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"

"hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay aykasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. "

"Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulongsa'yo - ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguronamigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumaganaang utak ng tao."

"Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto,responsibilidad ko ang buhay ko."

"Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao,tulad ko."

"Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sapaggawa ng wala.""iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala."

"iba ang informal gramar sa mali!!!"

" Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay un,dapat matagal na kong patay."

"Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. InEnglish, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!"

Comments

Popular posts from this blog

Lipat Bahay na….

Another Lunch...

Fiesta sa Bauan