Health care service dine

Kakatapos lang ng yearly health screening ni labs sa TTHS dito sa Singapore at di ko maiwasang ikumpara ang serbisyo dito at serbisyo sa pinas.

Imagine asikasong asikaso kami from the reception area hangga dun sa testing area o kaya naman ang dahilan e nasa pribado kaming package hehehe pero kahit na, dito talagang impressive sila sa kanilang courtesy to help yung mga nagtatanong at me mga issues na gustong malinawan. Sa atin kasi kung sinu yung mga nasa serbisyo para sa madla e sila pa ang mga hindi approachable at minsan suplado at suplada pa....

Mahal ko ang Pilipinas kaso di maiwasang ikumpara. Sana balang araw ay maging ganito na rin ang ugali ng mga pinoy na nasa serbisyo sa atin...posible ito dahil ang mga manggagawa sa ibang bansa na sumusunod sa ganitong pag uugali ay mga pilipino rin na sumusunod sa ganitong layi...

bakit kaya di magawa sa pinas??

Comments

Popular posts from this blog

Lipat Bahay na….

Another Lunch...

Fiesta sa Bauan