On MC today..

Tagalog tayo...
Anu ba yung MC sabi ng iba, eto ay Medical Certificate na kinukuha sa isang doctor dito sa little red dot kung me nararamdaman ka...sick leave sa atin, pero ayon sa obserbasyon ko hindi lahat ng mc ay para sa sakit lamang, malimit din itong gamitin ng mga tao dito na tinatamad pumasok, kagaya ko ngayon hehehe...ayon sa kontrata ko, mayroon akong 14 na mc sa loob ng isang taon at pag hindi ko ginamit ay wala na ito sa susunod na taon, entonces pag ayoko gamitin ang leave entitlement ko ay mc leave ang ginagamit ko para sa mga araw na tinatamad ako o para sa mga araw na masuka-suka na ako sa trabaho...relax muna ika nga...pero minsan mahirap humanap ng dahilan para kunyari ay me nararamdaman ka so kagabi ang dahilan ko ay yung vertigo ko, sabi ko ilang araw na lagi akong hilo, ang nangyari tuloy binigyan ako ng referral para magpatingin sa EENT specialist doctor, okay na rin para malaman ko na talaga ang dahilan ng aking vertigo at kung me gamot ba silang maibibigay....

Anyway, this time ang mc ko ay para masamahan ang aking esposo sa kanyang annual check-up.

Yan lang po muna at birthday nga pala ng Tita Tessie ko today, andito sila so we will probably eat out later this evening...we'll see how it goes....

Comments

Popular posts from this blog

Lipat Bahay na….

Another Lunch...

Fiesta sa Bauan